Thursday, 19 May 2016

12 Nanalong Senador sa Eleksyon 2016, Naiproklama na

Labing dalawang bagong na Senador Ngayung 2016 sabay-sabay na naiproklama. Lima sa kanila ay mga bagito lamang sa Senado kabilang na dito si Pambansang Kamao Manny Pacquiao na sabi niya na pabor daw siya sa mainit na isyu ngayun ang Death Penalty.
Image source: www.hatawtabloid.com


Isa isang tinawag sa stage ang mga bagong senador mula 1 hanggang 12 kasama ng mga naiproklamang senador ang kani-kanilang pamilya. Unang tinawag ang nanguna na si Re-Electionist (1) Franklin Drilon na may 18,607,391 votes mula sa 44.9 million bomoto ngayung election. ikalawa ang bagito sa senado na si (2)Joel "Tesdaman" Villanueva na nakakuha ng 18,459,222 votes. 17,200,371 naman ang Re-Electionist na si (3) Vicente Sotto III o mas kilala bilang si "Tito Sotto". Na sa ikaapat naman ang isa pang nagbabalik Senado na si (4) Panfilo Lacson na may 16,926,152 votes hindi nakarating sa proklamasyun sina Sotto at Lacson. Top 5 si (5) Richard Gordon na nakakuha ng 16,719,322 votes. Ika anim naman ang balik senado na si (6) Juan Miguel Zubiri na may 16,119,165 votes. Ika pito c Pambansang kamao (7) Manny Pacquiao na nakakuha ng 16,050,546 votes sa kanyang unang sabak sa pagtakbo sa senado, kasama ni Pacquiao ang kanyang asawa na si Jinkee at ang kanilang mga anak. Ika walo naman ang nagbabalik senado na si (8) Francis Pangilinan na mas kilala bilang "Kiko Pangilinan" na may 15,955,949 votes. Ika siyam naman si (9) Risa Hontiveros na tatlong beses sumubok tumakbo sa senado nakakuha siya ng 15,915,213 votes. Ika sampu naman si (10) Sherwin Gatchalian na may 14,953,768 votes. Ika (11) Ralph Recto na may 14,271,868 votes at ika (12) Leila De Lima si dating Justice Secretary Leila De Lima na basi sa final canvass ng (MBOC) ay nakatanggap ng 14,144,070 votes.

Sila ang mga bagong halal na Senado ngayung 2016.

No comments:

Post a Comment